EL NIÑO SOUTHERN OSCILLATION (ENSO)
Isang natural na kaganapan sa klima na nagreresulta mula sa interaksyon ng karagatan at himpapawid sa gitna at silangang bahagi ng ekwatoryal na Pasipiko.
Karagdagang impormasyonMainit na yugto ng ENSO.
Tumatagal ng 8-12 buwan.
Nangyayari tuwing 2 hanggang 7 taon.
Pinakamatinding yugto ay nagaganap tuwing 10 hanggang 15 taon.
MAAARING MALAMAN NA ITO AY EL NIÑO KUNG:
Mas mataas ang temperatura, 0.5°C o higit pa sa normal.
Mahina ang hangin mula sa silangan.
Kakaunti ang ulap sa buong Pilipinas, kaya mas bihira ang pag-ulan.
EPEKTO NG EL NIÑO SA IBA’T IBANG SEKTOR
KALUSUGAN NG TAO
Mas kaunti ang tubig para sa paglilinis ng katawan.
PINAGKUKUNAN NG TUBIG
Bumaba ang daloy ng tubig at tubig sa ilalim ng lupa dahil sa kakulangan ng ulan.
KALIKASAN
Tumataas ang insidente ng pagkatuyo ng mga kagubatan at peatland.
AGRIKULTURA
Bumaba ang produksyon at ani dahil sa kakulangan ng ulan.
YAMANG DAGAT
Tumataas ang bilang ng pagkamatay ng mga isda at insidente ng red tide.
MGA BALITA
EPEKTO SA KLIMA NG PILIPINAS
01
Naantala ang pagsisimula ng tag-ulan.
02
Nababawasan ang bilang ng nabubuong bagyo.
03
Mas mahaba ang tag-init.
04
Mas mababa sa normal ang dami ng ulan.
05
Mahina o bihira ang pag-ulan.
06
Mas mataas ang temperatura ng hangin kumpara sa normal.
MGA TIP PARA MAKATIPID SA TUBIG
01 Isara ang gripo habang nagsisipilyo. Mas mainam kung gagamit ng baso.
Nakakatulong ito sa pagtipid ng tubig, lalo na kung limitado ang suplay sa panahon ng El Niño.
02 Alisin ang mga tirang pagkain sa plato bago hugasan. Banlawan gamit ang tubig sa balde at gamitin ito sa inidoro.
Nakakatulong ito sa pagrerecycle ng tubig upang maiwasan ang pag-aaksaya, lalo na sa mga lugar na matindi ang tagtuyot.
03 Gamitin muli ang tubig mula sa paglalaba para sa paghuhugas o paglilinis ng sahig, inidoro, at iba pa.
Pinapakinabangan natin ang bawat patak ng tubig sa pamamagitan ng pagrereuse nito sa iba pang gawain sa bahay.
04 Diligan ang mga halaman sa umaga o hapon upang mabawasan ang mabilis na pagsingaw ng tubig.
Nakakatulong ito upang maiwasan ang mabilis na pagkatuyo ng tubig at mas maabsorb ito ng mga halaman.
05 Huwag gumamit ng hose sa paghuhugas ng sasakyan. Gamitin ang basang pamunas at balde.
Nakakatulong ito sa pagbawas ng pag-aaksaya ng tubig at mas nakokontrol ang konsumo kumpara sa tuluy-tuloy na daloy ng hose.
06 Mag-ipon ng tubig sa mga dram o balde upang magamit sa matinding tagtuyot.
Mahalagang may nakaimbak na tubig para sa pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na kung may water interruption.
MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY EL NIÑO
01 MAGTIPID NG TUBIG SA PANAHON NG EL NIÑO
Gamitin ang tubig nang matipid. Iwasan ang pag-aaksaya at i-recycle ito kung maaari, tulad ng tubig mula sa paglalaba na maaaring ipanglinis ng sahig o inidoro.
02 Gumamit ng payong at magsuot ng sombrero upang maprotektahan ang sarili mula sa matinding init.
Umiwas sa paglabas kung hindi kinakailangan, lalo na sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon kung kailan pinakamatindi ang init.
03 Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
Iwasan ang matatamis na inumin at alak dahil maaaring magpalala ng dehydration.
04 Magsuot ng manipis, maluwag, at preskong damit. Takpan ang balat kung kinakailangan upang maprotektahan mula sa init.
Mas mainam ang puti o mga kulay na mapusyaw dahil nakakatulong itong bawasan ang init.
05 Kung nagtatrabaho sa ilalim ng araw, magpahinga kada oras upang maiwasan ang sobrang init ng katawan.
Magpahinga sa malamig na lugar at huwag magpakapagod sa oras ng matinding sikat ng araw upang maiwasan ang heat stroke.
06 Kung walang aircon, manatili sa pinakamalamig na bahagi ng bahay na hindi direktang tinatamaan ng araw.
Buksan ang mga bintana at gumamit ng bentilador upang mapanatili ang maayos na daloy ng hangin sa loob ng bahay.